Cimatu sa LGUs: Open dumpsites, i-rehabilitate

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lahat ng local government units (LGUs) sa bansa na i-rehabilitate ang mga open dumpsites na ipinasara na ng ahensya upang maiwasan ang anumang negatibong epekto nito sa kalikasan.
Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu nitong Sabado na kailangang magkaroon ang LGUs ng safe closure and rehabilitation plan (SCRP), na kinakailangan matapos maipasara ang open dumpsites sa kanilang nasasakupan.
“Closing the dumpsite is just the first step. Your responsibility doesn’t end there. You (LGUs) have to proactively implement rehabilitation because it is a requirement for closure,” paliwanag niya.
Nitong Mayo 2021, nakumpleto ng DENR ang pagpapasara ng 335 open dumpsites sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Cimatu na ipatupad ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Nabanggit ni Cimatu ang munisipalidad ng Sta. Ana sa Pampanga bilang halimbawa ng lugar na maayos na natanggal ang lahat ng basura sa open dumpsite nito sa buwan ng Setyembre. Ito ay kasunod ng closure order na inilabas ng municipal government matapos gawing open dumpsite ang isang materials recovery facility o MRF.
Naglaan din ang munisipalidad ng P9.5 milyon sa pagsasaayos ng MRF, kung saan 20,096.28 tonelada o 1,100 trak ng basura ang naitapon sa Metro Clark Waste Management Corporation Sanitary Landfill. RNT/SA
Cimatu sa LGUs: Open dumpsites, i-rehabilitate
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento