P1 price hike sa gasolina; diesel, kerosene may bawas-presyo

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng mga taga-industriya ang pagtaas ng mahigit P1 sa presyo ng gasolina habang bawas-presyo naman sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Matatandaang nakapagtala ng siyam na sunod-sunod na price hike sa presyo ng diesel at kerosene. Ito naman ang ika-10 sunod na linggong magkakaroon ng taas-presyo ang gasolina.

Galaw sa presyo ng petrolyo:

  • Gasolina – P1.05-P1.15/litro (pagtaas)

  • Diesel – P0.40-P0.50/litro (pagbawas)

  • Kerosene – P0.30-P0.40/litro (pagbawas)

Asahan din ang rollback na P0.40-P0.50 kada litro ng diesel, at P0.30 hanggang P0.40 kada litrong bawas-presyo naman sa kerosene. RNT/SA



P1 price hike sa gasolina; diesel, kerosene may bawas-presyo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento