Pfizer-BioNTech COVID vax sa mga bata oks na sa FDA
Pfizer-BioNTech COVID vax sa mga bata oks na sa FDA

Pinayagan na ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Pfizer-BioNTech coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa mga bata mula lima hanggang 11 taong gulang.
Ayon sa pahayag ng ahensya, ang desisyong ito ay base sa matinding pagsusuri ng FDA sa datos mula sa ilang independent advisory committee experts na bumoto pabor sa pagtuturok ng nasabing bakuna sa mga bata.
Ang Pfizer-BioNTech vaccine para sa mga bata mula lima hanggang 11 taon ay ituturok nang dalawang beses, na may tatlong linggong pagitan, ngunit sa mas mababang dose na 10 micrograms kumpara sa 30 micrograms na ibinabakuna sa mga indibidwal edad 12 pataas.
Lumabas ang desisyong ito kasunod ng pagpupulong ng FDA advisors nitong linggo kung saan nirekomenda ang pagpayag na bakunahan ng nasabing brand ang mga bata sa nabanggit na age group.
Ito ang unang COVID-19 vaccine na inaprubahan para sa emergency use sa Estados Unidos sa mga bata mula lima hanggang 11 taong gulang. RNT/SA
Pfizer-BioNTech COVID vax sa mga bata oks na sa FDA
Source: Filipino Pinoys
Pfizer-BioNTech COVID vax sa mga bata oks na sa FDA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento