Isyu ng kapabayaan bilang OFW panel chair sinalag ni Pacquiao
Isyu ng kapabayaan bilang OFW panel chair sinalag ni Pacquiao

MANILA, Philippines – Hindi lang sa boxing kundi maging sa politika, tuloy pa rin ang pagdepensa ni Senador Manny Pacquiao sa mga isyung ibinabato sa kanya.
Katulad na lamang dito ang naging pagsalag niya sa kritisismo sa kaniyang pagpapabaya noong siya ay OFW panel chair pa.
Matatandaan na sinabi kasi ni dating party-list congressman at ngayon ay vice-presidential candidate na si Walden Bello na hindi natutukan ng mabuti ng Senador ang tungkulin nito.
Idiniin naman ni Pacquiao na hindi batayan ng commitment niya upang maglingkod sa Filipino migrant workers ang pag-upo sa mga pagdinig.
Sa katunayan pa umano, siya ang primary author ng tatlong panukala na ang isa ay naisabatas na at layong maprotektahan ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFW) at magbibigay rin ng suporta sa distressed workers.
“Magkapareho po tayo ng adbokasiya at layunin na tiyakin ang tapat na pagsisibi sa ating mga kababayang mahihirap na napipilitang lumayo at makipagsapalaran sa ibang bansa. Hindi lahat ay pinapalad at marami sa mga naabuso at napahamak ang ating natulungan at hindi ko po sila binibilang,” depensa ni Pacquiao kay Bello sa isang statement.
Ilan pa umano sa kaniyang mga ginawa ay ang pagbibigay ng tulong sa mga OFW pagdating sa passport renewal, medical assistance, legal assistance, scholarship at maging direct financial aid.
Sa kabila ng tirada sa kanya, iginagalang pa rin umano ni Pacquiao si Bello at handa pa ring makipagtulungan upang iangat ang mga Filipino mula sa kahirapan.
“Naniniwala po ako na kayo ay mananatiling kasama ko sa pagtulong sa ating mga kababayan at paglalantad ng mga katiwalian sa pamahalaan na siyang ugat na dahilan ng kahirapan,” aniya. RNT
Isyu ng kapabayaan bilang OFW panel chair sinalag ni Pacquiao
Source: Filipino Pinoys
Isyu ng kapabayaan bilang OFW panel chair sinalag ni Pacquiao
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento