Nabakunahang edad 12-17 vs COVID-19 mahigit 9K na
Nabakunahang edad 12-17 vs COVID-19 mahigit 9K na

MANILA, Philippines – Inihayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na umabot na sa mahigit siyam na libo ang nabakunahan kontra COVID-19 mula sa mga kabataan edad 12-17.
Ayon kay Vergeire, hanggang kahapon ay umabot na sa kabuuang 9,928 ang pediatric group na naturokan na.
Tinuturing naman ng opisyal na tagumpay ang mass vaccination sa mga kabataan, bagaman may ilang nakaranas ng adverse events matapos mabakunahan.
Sampu aniya sa mga ito ang nakaranas ng allergic reaction, 3 ang anxiety reaction, 4 minor reactions tulad ng pananakit ng braso na binakunahan.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang monitoring sa mga kabataang naturukan nang hanggang isang buwan upang malaman kung sila ay magkakaroon pa ng ibang adverse reactions. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Nabakunahang edad 12-17 vs COVID-19 mahigit 9K na
Source: Filipino Pinoys
Nabakunahang edad 12-17 vs COVID-19 mahigit 9K na
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento