Gimik ng ilang grupo sa sinusuportahang kandidato, masyadong halata – Luna

MANILA, Philippines – Nagsisimula nang lumikha ng kanya-kanyang gimmick ang ilang grupong sumusuporta sa kandidatura ng pinapaborang kandidato, gamit pa rin ang mga maralitang mamamayan na sinasabing makikinabang sa mga isinusulong na proyekto.

Ganito ang naging pananaw ng ilang mga nagmamasid sa nalalapit na pambansang halalan sa susunod na taon makaraang kumalat sa social media ang panawagan ng isang foundation na humihiling na suportahan ang proyektong “Pink Parol” Liwanag sa Pasko Bagong Pag-asa sa Mayo 2022 na malinaw umanong pagpabor sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manuelito Luna, halatang-halata aniya na isang uri ng fund-raising drive ng kampo ng Bise Presidente.

“The intention may be good but the use of the political color ‘Pink’ in Lanterns raises issue of propriety. Why not the colors Red, Green, Golden Yellow, Orange, White, etc.” pahayag ni Luna.

Sa naturang proyekto, nakasaad ang panawagan na suportahan ang Feeding Program para sa 1,000 benepisyaryo na kabilang sa mga walang tahanan tuwing tanghali sa pamamagitan ng pagbili ng Pink Parol na may sukat na 24” x 24” sa halagang P150.00 kada isa.

Duda rin ang dating PACC Commissioner kung may kaukulang permiso ang pangangalap ng pondo ng naturang grupo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“I think the fund-raising drive is suspect,” dagdag pa ni Atty. Luna.

Sa pahayag naman ni Atty. Lornezo “Larry” Gadon, ang kontrobersiyal na abogadong naghain ng impeachment complaint laban kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, isa aniyang political gimmick ang pagbebenta ng Pink Parol.

Hindi na aniya kailangan pang humantong sa pagkukunwari ang mga dilawan na ngayon ay isa ng pinkyellows kung naging maayos lamang ang mga ginugol na bilyong pondo sa biktima ng Yolanda, pagbili ng overpriced na dengvaxia vaccines at iba pang kinasangkutan ng nakaraang administrasyon.

“These are funds wasted by the yellows which amounts to billions of pesos. There would be no need for cheap gimmicks of selling Pink Parol just to raise funds to help people from suffering,” sabi pa ni Atty. Gadon. JAY Reyes



Gimik ng ilang grupo sa sinusuportahang kandidato, masyadong halata – Luna
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento