Animam bumida sa panalo ng Radnicki vs Sabac
Animam bumida sa panalo ng Radnicki vs Sabac

MANILA, Philippines – Ipinakita ni Jack Animam ang kanyang husay upang pangunahan ang Radnicki Kragujevac sa paggupo sa Duga Sabac, 81-72, para tapusin ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo sa First Women’s Basketball League sa Serbia nitong Sabado ng gabi.
Pumoste ang Filipino cager ng isa na namang mala-halimaw na performace kung saan nagtapos ito ng 28 points kasama ang 15 rebounds, six assists, three steals, at five blocks.
Dahil sa panalo, nag-imprub ang standings ng Radnicki sa 2-2, upang makabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo nitong nakaraang dalawang linggo.
Hindi sumablay ang 6-foot-5 na si Animam sa first half kung saan kumamada ito ng 16 points sa 7-sa-7 shooting sa field na may 10 rebounds para maitala ng Radnicki ang apat na kalamangan sa break, 44-40.
Sa third, lalong hindi napigilan ng kalaban si Animam at nagpasabog ito ng 10 sa 24 points ng Radnicki para sa kanilang 10-point na kalamangan.
Medyo nakaresbak ang Sabac sa 4th quarter at natapyas nila sa dalawa ang kalamangan, 68-66.
Pero sumungab si Animam ng dalawang malaking rebound at bumuslo para mapalawig ng Radnicki ang kalamangan sa apat, 70-66.
Sinubok pa ng Duga Sabac na humabol pero kinapos na sila ng oras kaya nakuha ng Radnicki ang panalo.
Sunod na haharapin ng team ni Animam Radnicki ang Vrsac sa October 30.Rico Navarro
Animam bumida sa panalo ng Radnicki vs Sabac
Source: Filipino Pinoys
Animam bumida sa panalo ng Radnicki vs Sabac
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento