3
3,410 pang bagong kaso ng COVID naitala; 128 patay, 5,825 nakarekober

Nanatili pa rin mababa ang bilang ng bagong kaso naitatala kada araw batay sa inilabas na case bulletin ng Kagawaran ng Kalusogan ngayong hapon.
Sa datos, nasa 3,410 lamang ang bagong kaso pero ang bagong mga gumaling naman ay nasa 5,825.
Kumpara sa mahigit 400 kahapon na nadagdag sa mga pumanaw, mayroon na lamang 128 na naitala ngayong Linggo, Oct.31.
Sa kasalukuyan, sumampa na sa 2,787,276 ang kaso sa bansa, nasa 2,698,871 naman ang gumaling na habang 43,172 ang namatay na sa sakit.
Gayunman, mayroon pa ring 45,233 na aktibong kaso kung saan ang 73.6 percent ay mild case.
Ang asymptomatic ay 4.9 percent, 2.9 percent ang critical, 6.8 percent ang severe at 11.83 percent ang moderate.
Sa patuloy na pagbaba ng kaso araw-araw, mahigpit pa ring nagpapaalala ang DOH sa lahat na huwag magpakampante at panatilihin pa rin ang pagsunod sa safety health protocol kahit pa bakunado na o fully vaccinated na laban sa COVID-19.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)
3,410 pang bagong kaso ng COVID naitala; 128 patay, 5,825 nakarekober
Source: Filipino Pinoys
3
410 pang bagong kaso ng COVID naitala; 128 patay
5
825 nakarekober
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento