ASYMPTOMATIC PWEDE BANG TUMANGGI SA QUARANTINE FACILITY?

NGAYON, mga pare ko, bigyan po natin ng puwang ang isang liham na ipinadala sa atin ng isang concerned citizen tungkol sa isang article natin na nakita niya sa google na may kinalaman tungkol sa pagdala ng isang mahirap sa quarantine facility.

Basahin natin ang kanyang liham.

Magandang gabi po. Nakita ko po ‘yung article ninyo sa google tungkol sa pagdala ng isang mahirap sa quarantine facility.

Tanong ko lang po, Sir, puwede po bang tumanggi na dalhin ang taong nagpopositibo sa quarantine faciity kung asymptomatic naman po siya o walang sintomas ng COVID?

Three days ago po, pumunta ‘yung asymptomatic sa ospital para magpa-check up ng kanyang likod at ulo kasi sumasakit dahil sa rayuma niya at nagkataon pong sinisipon siya noon.

Nagpa-swab test siya at nagpositibo po siya.

Sixty years old na po ‘yung pasyente at wala pong nararamdaman maliban sa sipon at pagkatapos ng isang araw ay nawala naman na.

Puwede po bang mag-home quarantine na lang ang mga ganitong pasyente dahil wala naman po siyang nararamdaman? Maraming salamat!

Well, para po sa concerned citizen na lumiham po sa atin, ang tanging masasabi natin, bagama’t wala man tayong kaalaman, siguro po ay puwede nang i-home quarantine.

Marami na rin akong mga nababasa at nakikita na instead na dalhin ng mga kamag-anak sa Quarantine Facility ay sa bahay na lamang ng iba ginagamot.

Kung talagang lalala ang kalagayan niya at hindi pa rin gumagaling, siguro ito na ‘yung oras para dalhin ninyo sa ospital ang inyong pasyente.

Pero ito rin ang mahahalaga na dapat ninyong gawin: Ipaalam ninyo sa inyong pamahalaang barangay ang pagpositibo ng pasyente at pag-home quarantine ninyo sa kanya, kasabay ng pagkuha ng gabay mula sa inyong municipal o city health office o malapit na health frontliner sa inyo.

Maraming salamat po sa pagtitiwala.



ASYMPTOMATIC PWEDE BANG TUMANGGI SA QUARANTINE FACILITY?
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento