2 patay
Kasalang may sweet music pinagbabaril, 2 patay

AFGHANISTAN – Pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan ang grupong kasalang may patugtog ng musika para sa mga nobya sa bansang ito na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 10 iba pa.
Nagpakilalang mga miyembro ng Taliban ang umatake sa kasalan subalit may paniniwala namang mga miyembro ng Islamic State ang gumawa ng krimen dahil may basbas ng punong Taliban sa lugar ang pagpapatugtog ng musika.
Hindi naman malinaw kung kabilang sa mga nasawi at nasugatan ang mga babaing ikinakasal ngunit ang kanilang lugar na pawang kababaihan ang inatake.
Naganap ang pangyayari kagabi sa Surkh Rod district sa lalawigan ng Nangarhar na paghahanda ng kasalan kinabukasan.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa pangyayari.
Napag-alamang noong namamayani ang Taliban sa mga taong 1996 hanggang 2001,ipinagbawal ang tugtugan ngunit ngayong nakabalik na sila sa poder, wala pang malinaw na patakaran ukol dito.
Sa kabilang banda, may mga kaso nang naitala na ang mga miyembro ng Islamic State ang umaatake sa mga lugar na may nagpapatugtog ng musika sa mga komunidad. Fred Cabalbag
Kasalang may sweet music pinagbabaril, 2 patay
Source: Filipino Pinoys
2 patay
Kasalang may sweet music pinagbabaril
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento