2 walang face mask tiklo sa P500K shabu

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking naunang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng face mask nang makumpiskahan ng halos P.5 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

Swak sa hoyo sina Dave Aguilar, 44, ng 172 Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10 at; Ramoncito Dasigan alyas “Ramon”, 27, ng Brgy. San Roque, Navotas City.

Nagsasagawa ng Simultaneous Enhanced Managing Operations (SEMPO) ang mga parak dakong alas-10:30 ng gabi, Oktubre 25 sa Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10 nang sitahin maispatan at sitahin ang mga suspek dahil walang suot na face mask.

Nang hanapan ng identification card ay tumanggi ang mga suspek at tinangka pang tumalilis ngunit sinakote ng mga pulis.

Nang kapkapan, nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang itim na pouch at 14 sachets na naglalaman ng 66 gramo ng shabu na may halagang P448,800 kaya’t idiniretso na sila sa presinto. Merly Iral



2 walang face mask tiklo sa P500K shabu
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento