Illegal fish cages sa Cavite gigibain na
Illegal fish cages sa Cavite gigibain na
CAVITE – Nagbigay na ng huling babala ang multiagency team na binubuo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard – Cavite at Philippine National Police maritim group sa may-ari ng mga iligal na fish cages sa probinsiya ng Cavite.
Ito ang naging babala nila sa pamamagitan ng written notice of violation nitong Lunes, Oktubre 25 kung saan inaabisuhan nila ang may-ari ng mga sapras na gigibain na nila ang mga ito pagsapit ng Nobyembre 4 hanggang 6.
“We encourage the owners of such structures to carry out self-clearing or voluntary removal of their respective structures before November 4 or the scheduled clearing operation,” pahayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa isang panayam.
Kung magkukusa umano ang may-ari ng mga illegal fish cages na magbaklas ay makatutulong pa ito sa kanila na magamit na lamang ang mga materyales sa ibang paraan.
“Regarding sa baklad and tahungan, they need to secure permits [from] their respective LGUs in Bacoor, Noveleta, Kawit and Cavite City to be legal,” dagdag pa ni Antiporda.
Ang demolisyon ay nakaayon sa kautusan ng Supreme Court na magsagawa ng clean up, rehabilitation at panatilihin ang maayos na kalidad ng tubig sa Manila Bay. RNT
Illegal fish cages sa Cavite gigibain na
Source: Filipino Pinoys
Illegal fish cages sa Cavite gigibain na
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento