nagulat sa kanyang ‘pagkamatay’
Solon sa Laguna, nagulat sa kanyang ‘pagkamatay’

MANILA, Philippines – Ikinagulat at ikinalungkot ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones, Lunes ang balitang yumao na siya matapos na maospital, isang linggo matapos na ianunsyo niya ang kanyang muling pagkatakbo sa 2022 elections.
Sa Facebook post ni Aragones tinawag niya na peke ang balitang kumakalat ukol sa kanyang pagkasawi.
“Nakakalungkot po na may mga ganitong balita na kumakalat, isang fake news para sirain, ang sabi ng iba, takutin, paatrasin ang isang Sol Aragones sa kaniyang naising maglingkod,” ani Aragones.
Giit ng mambabatas sa mga nagpakalat ng fake news na hindi niya aatrasan ang mga ito.
“Kung sino ang nagpakalat nito at nais ninyong pahinain ang loob ko, isa lang po ang mensahe ko sa inyo: Hindi ako natatakot, hindi ako aatras, ilalaban ko ang aking pangarap sa ating mga kababayan hanggang dulo ng laban,” giit pa ng mambabatas.
Si Aragones ay tatakbo bilang gobernadora ng Laguna, kasama si Jericho Ejercito, anak ng dating Laguna governor ER Ejercito, bilang vice governor.
Kahaharapin ni Aragones si incumbent governor Ramil Hernandez. RNT
Solon sa Laguna, nagulat sa kanyang ‘pagkamatay’
Source: Filipino Pinoys
nagulat sa kanyang ‘pagkamatay’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
Solon sa Laguna
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento