Milyones kita ng CPP-NPA-NDF tuwing eleksyon-NICA
Milyones kita ng CPP-NPA-NDF tuwing eleksyon-NICA

MANILA, Philippines – Milyon-milyong piso ang kinikita ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front kapag panahon ng eleksyon dahil sa kanilang “permit to campaign” at “permit to win” na sistema ng pangingil.
Sa mga intelligence report na nakalap ng National Intelligence Coordinating Agency, lumalabas na milyong piso ang nakokolekta ng CPP-NPA-NDF sa mga politikong nais mangampanya sa mga lugar na hawak ng mga komunistang-terorista para manalo sa halalan.
Ayon kay NICA Deputy Director General Abelardo Villacorta, na panauhin sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, para makapangampanya “dalawang milyon hanggang apat na milyong piso” ang kailangang ibayad ng mga kumakandidato sa pagka-gobernador at kongresista.
“Isang milyon hanggang 2 milyon naman para sa mga tumatakbong bise-gobernador. At ang sa mga mayor ay kalahating milyon (P500,000) hanggang P1M samantalang P500,000 hanggang P800,000 naman ang sa mga konsehal.’
Nabatid na 60% umano sa nakukulimbat ng CPP-NPA-NDF ay kinukuha ng CPP national organization at ang natitirang 40% ay ginagamit na sa operasyon ng NPA.
Isiniwalat din ni Villacorta na sa ibang pagkakataon gamit ng mga CPP-NPA-NDF ang mga “barangay official” bilang kanilang mga negosyador sa kanilang pangingikil.
Dagdag pa ni Villacorta, plano rin ng mga komunistang-terorista na sumuporta ng kandidato sa pagka-presidente ng bansa, dahil may nakalap din silang impormasyon na nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa ibang mga kandidato upang maging kaalyado nila.
Ang dati namang CPP-NPA Cadre at tagapagsalita ng NDF-FSR na si Noel “Ka Efren” Legaspi ay kinumpirma ang intelligence reports ng NICA at base sa kanyang karanasan, may “rata” ang lahat o presyong ipinatutupad ang kanilang grupo, base sa posisyon at kakayahan ng kandidato.
Sinabi ni Legaspi na noon kanyang panahon, ang presyo para sa mga congressman at governor ay P1.5 milyon hanggang P3 milyon lang. “
“Ang vice governor medyo mababa. Depende naman sa status ng siyudad ang sa mga mayor, P1M hanggang P2M. Ang councilor P20,000-P100,000,” pahayag ni Legaspi.
Maaari naman umanong makipagtawaran upang maibaba ang rata.
Kanya ring isiniwalat na naglalagay ng mismong kandidato ang CPP-NPA-NDF na nagpapanggap na mga tagapagtanggol ng mga naapi, gaya ng mga miyembro ng Makabayan Bloc ngayon sa Kongreso na binigyan-daan ng Partylist System sa bansa.
“Lahat ng nominees doon ay cadre,” ang sabi ni Legaspi.
Para naman kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, kailangang bantayan ang mga politikong lalapit sa mga CPP-NPA-NDF at binalaan ang mga ito na maaaring madiskwalipika sila sakaling mapatunayang tumutulong sa mga komunistang-terorista na maaari pa nilang ikakulong. RNT
Milyones kita ng CPP-NPA-NDF tuwing eleksyon-NICA
Source: Filipino Pinoys
Milyones kita ng CPP-NPA-NDF tuwing eleksyon-NICA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento