BARMM elections malaki ang tsyansang mausog sa 2025 – Roque

MANILA, Philippines – Inaasahan na ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang “rescheduling” o muling pag-iskedyul ng kauna-unahang regular elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Sec. Roque na sa halip na 2022, ang BARMM polls ay ni-reset sa 2025.

“Well, all I know is that both Houses (of Congress) have passed ito. So there is no impediment for it to become law. It becomes a law if the President does not sign it within a certain number of days,” ani  Roque.

Nakasaad kasi sa House Bill 10121 ang pagpapanukala na ipagpaliban ang eleksyon para sa tatlong taon . Inaprubahan ito noong Setyembre 15, isang linggo matapos na maipasa ng Senado ang kanilang bersyon.

Target ng batas na bigyan ang susunod na Pangulo ng kapangyarihan na magtalaga ng 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

“And they will hold office until May 2025,” ayon kay Sec. Roque.

“So sa akin po, wala na pong gusot iyan. I think the elections will really be postponed and the members of the BARMM will be appointed by the President,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang BTA ay provisional law-making body ng BARMM na kasalukuyang nasa ilalim ng transition phase.

Ang transition plan ay nakatakdang makumpleto sa 2022 sa panahon ng eleksyon ng bagong regional officials at kasabay ng local at national polls sa Mayo 9.

Gayunman, nasira ng COVID-19 pandemic ang mga aktibidad kabilang na ang third decommissioning phase.

“There have been 12,000 ex-Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatants decommissioned during the second phase of the normalization track, from August 2019 to March 2020, under the Annex on Normalization of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro forged between the government and MILF,” ayon sa ulat.

Layon ng decommissioning na tulungan ang mga dating combatants na mag- transform o magbalik sa pagiging mapayapa at produktibong mamamayan. Kris Jose



BARMM elections malaki ang tsyansang mausog sa 2025 – Roque
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento