Limitadong F2F classes sa lahat ng kurso
Limitadong F2F classes sa lahat ng kurso, plano ng CHED

MANILA, Philippines – Binabalak ng Commission on Higher Education (ChEd) ang pagbubukas ng limitadong face-to-face classes sa lahat ng degree program o kurso sa kolehiyo at unibersidad.
Ito ay kung ang lugar ay low risk na sa COVID-19 at may mataas na vaccination rates.
Sinabi naman ni ChEd commissioner Prospero de Vera, Lunes na piang-aaralan na ng gobyerno ang nasabing hakbang, lalo na maganda naman umano ang tinatakbo ng kasalukuyang limitadong face-to-face classes.
“Ang susunod naming pinag-aaralan na ay, in addition to limited face-to-face classes by degree program, pinag-aaralan na namin kung pwedeng payagan ang mga eskwelahan na mag-limited face-to-face in all degree programs in areas that have very low COVID-19 prevalence and also very high vaccination rate,” ani De Vera sa Palace briefing.
Sa ngayon ang mga pinapayagan pa lang na kurso na makapagsagawa ng limitadong F2F classes sa ilalim ng modified general community quarantine ay ang mga sumusunod:
-
medicine and health-allied
-
engineering
-
hospitality/ hotel and restaurant management
-
tourism/ travel management
-
marine engineering
-
marine transportation
RNT
Limitadong F2F classes sa lahat ng kurso, plano ng CHED
Source: Filipino Pinoys
Limitadong F2F classes sa lahat ng kurso
Philippines news
Pinoy Trending
plano ng CHED
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento