1 nawawala sa Pangasinan kay bagyong ‘Maring’
1 tigok sa kuryente, 1 nawawala sa Pangasinan kay bagyong ‘Maring’

MANILA, Philippines – Patay ang isang 24-anyos na babae matapos makuryente sa Barangay Dorongan habang isang 19-anyos na magsasaka sa Barangay Gualsic ang nawawala kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Maring’.
Kinilala ang nasawi na si Ana Marie Ventayen ng bayan ng Lingayen at ang nawawalang si Michael Alvarez na taga-Alcala.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office information officer Maj. Arturo Melchor Jr., natutulog si Ventayen sa kanyang foam bed nang pasukin ng baha ang loob ng kanilang bahay at naabot pati ang ginagamit niyang electric fan.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.
Samantala, nagtungo naman sa binaha niyang taniman si Alvarez kasama ang tauhan niyang si John Estrada para isalba ang mga drum na ginagamit nila sa bukid.
Pero maya-maya ay napansin ni Eatrada na hindi na niya kasama si Alvarez.
Patuloy siyang hinahanap ng mga awtoridad.
Hanggang kaninang ala-1:00 ng hapon, nasa 823 indibidwal o 176 pamilya na sa probinsya ng Pangasinan ang inilikas dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyo.
Karamihan sa kanila ay galing sa mga bayan ng Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, Lingayen, Sual, Bani, San Fabian, Manaoag, Bolinao, San Nicolas, and Sta. Barbara towns, at Alaminos City.
Tiniyak naman ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office na nakahanda ang relief goods para sa mga evacuees. RNT
1 tigok sa kuryente, 1 nawawala sa Pangasinan kay bagyong ‘Maring’
Source: Filipino Pinoys
1 nawawala sa Pangasinan kay bagyong ‘Maring’
1 tigok sa kuryente
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento