Regine, Daniel, Sarah, wagi sa 12th Star Awards for Music!

Manila, Philippines – Isang malaking tagumpay ang idinaos na virtual awarding ng ika-12 edisyon ng Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club na napanood sa STV at RAD channels noong Oktubre 10.

Si Regine Velasquez-Alcasid ang tinanghal na Female Recording Artist of the Year para sa kanyang  awitin na  I am Beautiful at wagi rin ng Female Concert Performer of the Year sa kanyang Iconic concert. Big winner din si  Daniel Padilla bilang Male Recording Artist of the Year para naman sa kantang Mabagal.

Wagi rin si Sarah Geronimo bilang Female Pop Artist of the Year sa awiting Ang Tangi Kong Pangarap. Ang Himig Handog 2019 naman ang tinanghal na  Album of the Year.

Ang kantang Mabagal nina  Moira Dela Torre at Daniel ang nagwaging Song of the year. Ang Perfect Ten ni Lea Salonga ang nanalong Concert of the Year. Pinarangalan din sina Kuh Ledesma bilang recipient ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at si Louie Ocampo sa Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

Kasabay nito, binigyan din ng  Plaque of Appreciation sina Kuh Ledesma, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Luke Mejares, Ima Castro, Jeric Gonzales at Alden Richards para naman sa kanilang partisipasyon sa benefit concert ng PMPC na Awit sa Pandemya.

Binigyan din ng pagkilala sina FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, David Fabros at Congressman Alfred Vargas dahil sa kanilang suporta sa PMPC event.

Nagpapasalamat ang buong PMPC sa pangunguna ng Presidente nito na si Roldan Castro sa FDCP, Direktor Pete Mariano, Frontrow at Raymond Francisco. Archie Liao



Regine, Daniel, Sarah, wagi sa 12th Star Awards for Music!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento