Kalihim ng DAR nanguna sa pamamahagi ng lupa sa 7,268 mga magsasaka sa Negros Occidental

NEGROS OCCIDENTAL – Upang ipatupad ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng pamamahagi ng agrarian reform land sa walang lupang magsasaka aabot sa 7,700 ektaryang bukirin ang naipamahagi sa 7,268 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa isang seremonya na pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones sa Pontevedra, Negros Occidental noong Setyembre 30.

Sa press release sinabi ng DAR na sa hilagang bahagi ng Negros Occidental, 3,926 ARBs ang nabigyan ng titulo ng lupa na sumasakop sa 4,119 ektarya.

Ayon sa DAR mula naman sa timog na bahagi ng Negros Occidental II, 3,342 na mga benepisyaryo ng lupa naman ang tumanggap ng titulo na sumasakop sa 3,589 ektarya.

Kaugnay nito sa kanyang mensahe, hinimok ni Castriciones ang mga ARB na pahalagahan ang araw kung kailan nila natanggap ang kani-kanilang mga CLOA na nagpapahiwatig ng kanilang kalayaan mula sa pagkaalipin ng pag-upa.

“Ito ang araw na dapat tayo’y maging masaya sapagkat finally matatanggap na ng ating mga farmer beneficiaries ang kanilang mga CLOA na kanilang matagal nang hinihintay. At yan ay magpapatunay na sila na ngayon ay talagang tunay na mga Pilipino na tunay na may pagmamay-ari. Sila ay biniyaya ng ating Panginoon Diyos, sa pamamagitan ng ating pamahalaan, ni President Rodrigo Duterte at mga lingkod na magsasaka, ang mga kawani ng DAR sa tulong ng ating mga partners, mga LGUs, upang finally ang mga magsasaka ay makakatanggap ng kanilang lupa”, ayon kay Castriciones.

Samantala sinabi naman ni Regional Director Sheila Enciso na ang DAR-Western Visayas ay may natitirang balanse pa na higit sa 124,000 ektaryang sakahan na maaari pang ipamahagi sa mga ARB.

“Masaya kaming pinaglingkuran kayo at naging instrumento sa pag-angat ng kalidad ng inyong buhay bilang mga ARBs. Para dito, nagsumikap kami upang maibigay sa inyo ang mga titulo ng inyong lupain. Isang bagay lamang ang pinaka-hihiling namin sa inyo –na kayo ay maging mabuting landowner upang ang aming mga pagsisikap na pagyamanin ang inyong buhay ay hindi mawalan ng kabuluhan,” ani Enciso.

Kaugnay nito sa araw ding iyon, pinangunahan din ni Castriciones ang pagtatalaga ng 51 ARB sa apat na sakahan na matatagpuan sa Barangay Abo-abo sa bayan ng Murcia.

Nabatid sa DAR may 48.5 na ektarya ng lupa ang sumasakop sa sakahan na ngayon ay pagmamay-ari na ng 51 ARB sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Santi Celario



Kalihim ng DAR nanguna sa pamamahagi ng lupa sa 7,268 mga magsasaka sa Negros Occidental
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento