62M botante nakapagparehistro na para sa 2022 poll

MANILA, Philippines – Lagpas na sa 62 milyon mga botante ang nakapagrehistro na para sa May 9, 2022 national at local elections.

Sa Balitaan sa Maynila ngayong Linggo, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez ito ay base sa kanilang pinakahuling datos sa ngayon.

Ayon kay Jimenez, ang bilang ng nagpa-reactivate ng kanilang rehistro ay nasa higit 880 libo at ang bagong mga botante na nagparehistro ay mahigit naman sa 5 milyon.

Aniya maari pa itong madagdagan dahil ang voter registration ay pinalawig pa o extended hanggang Oktubre 30.

Sa ngayon binigyan daan muna ng Comelec ang filing ng certificate of candidacy ng mga kandidato at sa Oktubre 11 ay muling ipagpapatuloy ang voter registration.

Nauna na ring umapela si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa publiko na magparehistro dahil kaya aniya pinalawig ang voter registration ay dahil na rin sa mga panawagan ng nakakarami. Jocelyn Tabangcura-Domenden



62M botante nakapagparehistro na para sa 2022 poll
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento