AJ sa isyu kay Aljur: ‘Di ako magpapakaipokrita; we care for each other

Manila, Philippines– “Manliligaw” pa lang at hindi pa boyfriend ni AJ Raval si Aljur Abrenica.

‘Yan ang ulat ng ABS-CBN News website na ibinatay naman sa isang interbyu kay AJ sa PEP Live.

Lahad ni AJ: “Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami.

“We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know each other pa lang kami.”

Inamin din ng sexy star ng Viva Artists Agency na si Aljur ang tinutukoy n’ya sa isang naunang interbyu with vlogger Donalyn Bartolome na may manliligaw siya na boyfriend material ang turing n’ya.

Kasabay ng paghihiwalay nina Aljur at ni Kylie Padilla ang kasunduang wala na silang pakialaman kung kani-kanino sila makikipag-date at makikipagrelasyon sa paglaon.

Ginawa ni Kylie sa Ibstagram n’ya ang pagbubunyag ng kasunduan nila ni Aljur nang mabuhay uli ang bintang kay AJ na siya ang third party sa paghihiwalay ng mag-asawa. Nabuhay ang akusasyon nang nag-post si Aljur ng litrato n’ya kung saan ang kapaligiran n’ya ay kamukhang-kamukha ng kuwarto ni AJ.

Walang pang-itaas si Aljur sa litrato at mukhang kagigising lang kaya’t nagkakape pa sa larawan n’ya. Hindi na nangatwiran pa si AJ kung bakit magkamuhang-magkamukha ang kapaligiran ng kuwarto n’ya at ang lugar kung saan nagkakape si Aljur.

Samantala, ang paggigiit ni AJ na suitor pa lang n’ya si Aljur ay isang akto ng pagliligtas sa kanyang sarili na siya ang third party sa paghihiwalay ng aktor at ang misis n’yang si Kylie. Ipinagtapat naman ni Kylie na nu’ng Abril pa sila naghiwalay ni Aljur bagama’t nung July lang napabalita ang separasyon nila.

Samantala, paniniguro ni Kylie tugkol sa mga isyu sa kanya at kay Aljur: “Guys, there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.”

Kylie also refused to divulge any information to keep the little privacy she has. Danny Vibas



AJ sa isyu kay Aljur: ‘Di ako magpapakaipokrita; we care for each other
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento