Emergency alert para kay BBM, parte ng demolition job sa kanya – Marcos’ camp

MANILA, Philippines – Pinalagan ng kampo ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kumakalat na emergency alert text blast na sumusuporta pa sa kanyang kandidatura sa 2022 elections.

Umaga ng Miyerkoles nang makatanggap ang ilang mga malapit sa bisinidad ng Sofitel Hotel tent ng text blast ukol kay BBM kasabay ng kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy sa pagkapangulo.

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos, na hindi galing sa kanila ang iligal na ipinadalang mga emergency alert, at ito ay parte umano ng demolition job laban kay BBM, sa mga sumasalungat sa kanyang kandidatura.

Giit pa niya na maging ang pamilya Marcos ay nakatanggap ng nasabing mensahe.

“We should not tolerate any group or groups underhanded moves to trivialize this very special tool meant to forewarn every single Filipino of an impending, actual or post disaster event or scenario,” pahayag ni Rodriguez.

“To those behind this despicable deed, we appeal that you do not please mess with functioning government system that is purposely meant to save lives just so you may advance your agenda of derailing the candidacy of presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,” dagdag pa niya.

Dahil dito, nagkasa agad ng imbestigasyon ang National Telecommunications Commission (NTC) sa nasabing isyu at sinabi ni Rodriguez na iniimbestigahan nila ito.

Ayon sa NTC, taning ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang may kakayahan na legal na makapagpadala ng emergency text messages.

Agad ding nilinaw ng NDRRMC na hindi ito galing sa kanila.

Sapantaha ng NTC naipadala ang text blast sa pamamagitan ng iligal na “portable cell sites.” RNT



Emergency alert para kay BBM, parte ng demolition job sa kanya – Marcos’ camp
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento