Ai-Ai, gagastos ng milyones para magka-anak!

Manila, Philippines – Mukhang malabo pang maisakatuparan ang pangarap ng mga fans nina Eugene Domingo, Pokwang at Ai-Ai delas Alas na magsama ang tatlong reyna ng komedyante sa isang serye sa Kapuso Network. Plano kasi ni Ai-Ai na sa Amerika na muna manirahan pagkatapos ng kanyang paghuhukom sa ongoing Season 4 ng ‘The Clash’.

Gusto ni Ai-Ai na manatili na muna sa Amerika kasama ang anak para maasikaso niya ang kanyang greencard na matagal na rin niyang hindi nagamit dahil sa dami ng commitments sa bansa. Kung ‘di pa nagkapandemya ay hindi pa sana makakabalik ng States si Ai-Ai kasama ang mister na si Gerald Sibayan.

Gusto kasi ni Ai-Ai na mapetisyon ang kanyang mister para magkaroon din ng greencard at habang nasa Amerika sila ay  plano ng komedyana na pagtutuonan na rin ng panahon ang pagbubuntis niya kahit pa gumastos sila ng milyones mabiyayaan lang ng anak.

“Sa totoo lang, ngayon pa lang ako magiging ‘may asawa,’ na ang priority, e, si Gerald. Bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya din ng kasama du’n sa Amerika,” ani Ai-Ai.

Nangangahulugan na malalayo sa bansa si Ai-Ai ng ilang taon at maraming projects ang malamang na mawala sa kanya.

May balak ba si Ai-Ai na magretiro na sa showbiz at manuluyan na sa Amerika?

“Babalik naman ako rito, kasi ‘yung nanay ko matanda na, so bibisitahin ko,” dagdag na say pa ni Ai-Ai.  Wally Peralta



Ai-Ai, gagastos ng milyones para magka-anak!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento