Pagpapaimbestiga ni Digong sa PRC sa ‘false positives’ sa Subic welcome kay Gordon
Pagpapaimbestiga ni Digong sa PRC sa ‘false positives’ sa Subic welcome kay Gordon

Manila, Philippines – Welcome kay Senator Richard Gordon ang iniatas na imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y “false positives” COVID-19 test results na isinagawa ng Philippine Red Cross (PRC) sa Subic.
Sa isinasagawang pagdinig sa umano’y kontrobersyal na badyet sa COVID, nagpaliwanag si Gordon sa naturang insidente makaraang buksan ni Deputy Speaker at SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta ang usapin kung saan ilang personnel ng ospital ang nagpostibo sa COVID ngunit nagnegatibo pagtapos ng tatlong araw.
“Nu’ng nagpa-examine sila, 40 ‘yun lumabas, sila ay positive, but ni-recheck namin, ‘yan ang molecular laboratory sa Subic. Ni-recheck namin ‘yan at na-found out na positive. At pagkatapos ngayon ang sasabihin ng mga alipores ni President Duterte, ni Atty. Duterte, na ito raw ay mali, at ngayon pinapa-imbestiga niya kami,” pahayag ni Gordon.
“We are open, sir, because we report all the testing to the [Department of Health and to the [Research Institute for Tropical Medicine].”
Samantala, pinalagan naman ng senador si Marcoleta sa pagpapaimbestiga laban sa PRC at tinawag pang “demolition expert” ng ABS-CBN.
“‘Di po ba totoo na ngayon pina-iimbestiga niyo ang Subic laboratory dahil ‘yung kahol ng kahol na si Marcoleta na kunyari kumpare ko pa, kinumpare ako akala niya siguro magpe-Presidente ako, gagamitin niyo ako. Nagpakumpare naman ako dahil mahirap kung hindi. Ngayon minumura kami ni Marcoleta. Hindi ko na dapat pansinin ‘yan. ‘Yan ang demolition expert sa ABS-CBN,” ani Gordon.
“At hindi po ba totoo na ‘yan ang mga taong ‘yan ngayon e sinasabi na nagkaroon, ‘yung mga [medical technologists] namin nagkamali sa Subic?” dagdag pa nito. RNT/FGDC
Pagpapaimbestiga ni Digong sa PRC sa ‘false positives’ sa Subic welcome kay Gordon
Source: Filipino Pinoys
Pagpapaimbestiga ni Digong sa PRC sa ‘false positives’ sa Subic welcome kay Gordon
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento