Antigen testing ng Comelec sa Eleksyon 2022, kinontra ng DOH

MANILA, Philippines – Kontra ang Department of Health (DOH) sa planong paggamit ng antigen test ng mga botante at iba pang makikilahok para sa May 2022 elections.

Sa press briefing, sinabi ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, makikipag-usap sila sa Comelec upang talakayin ang plano nito sa darating na halalan ukol sa paggamit ng antigen para sa mga botanteng magpapakita ng sintomas ng COVID sa mismong halalan.

Sa DOH din naman aniya humihingi ng payo ang Comelec.

Sinabi ni Vergeire na kailangang tama ang pagsusuri upang wala nang duda na sa resulta.

Una nang lumutang ang posibilidad na gumamit ng rapid antigen testing ang Comelec para sa mga botante na magpapakita ng sintomas sa kanilang paglahok sa Eleksyon 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Antigen testing ng Comelec sa Eleksyon 2022, kinontra ng DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento