Pacquiao ‘di pa opisyal na nagretiro sa boxing – Puentevella

MANILA, Philippines – Nilinaw ng tagapagsalita ni Senador Manny Pacquiao na si Monico Puentevella na hindi pa ito nagreretiro sa pagbo-boxing.

Ito ay sa kabila na magiging busy na ang senador sa paghahanda para sa kanyang pagkandidatong pangulo para sa Halalan 2022.

“He’s not yet retiring from boxing because he doesn’t talk about boxing anymore,” ani Puentevella sa panayam ng GMA araw ng Martes, Setyembre 21.

“He’s really busy thinking about how to win and how to help people. He really wants to change the system. His focus right now is on helping the poor and running the country, boxing is not part of our conversations right now,” dagdag pa niya.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan kung magreretiro na ba ang pambansang kamao matapos matalo sa laban niya kay Yordenis Ugas noong Agosto 22.

Bagama’t hindi nagbigay ng eksaktong sagot, pag-iisipan pa umano ni Pacquiao ang pinal na desisyon na hindi madali para sa kanya.

Ayon naman kay Puentebella, maaari rin umanong madiktahan ng mga susunod na mangyayari kung magreretiro na ba ang pambansang kamao sa boxing.

“It really depends on the next chapters of his life, which is the election. Personally, I think if he becomes the next president, then we have probably seen his last fight in August,” pagtatapos ni Puentevella. RNT



Pacquiao ‘di pa opisyal na nagretiro sa boxing – Puentevella
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento