Bangon Batanes online concert
Bangon Batanes online concert, ilulunsad ng Prelatura ng Batanes

BATANES – Ilulunsad ng Prelatura ng Batanes ang isang online concert para sa pagbangon ng probinsya na lubhang napinsala ng bagyong Kiko.
Kaugnay nito, nanawagan si Fr. Vhong Turingan, chancellor ng prelatura, na suportahan ang kanilang aktibidad sa pangungunahan ng OPM artist.
Layon ng konsyierto na makalikom ng pondo para sa pagsasaayos sa mga napinsalang ari-arian at pagbangon ng mga residente.
“Kami po ay humihingi sa inyo ng tulong sa pamamagitan ng isang online concert na pangungunahan ng ating mga OPM artists para makabangon ang prelatura at ang buong isla ng Batanes na nasalanta ng bagyong Kiko,” pahayag ni Fr. Turingan sa Radio Veritas.
Ilang pribadong indibidwal at Marian Missionary of the Holy Cross ang katuwang ng prelatura sa gawain na nais tumulong sa rehabilitation ng lalawigan.
Tampok sa Bangon Batanes online fundraising concert ang OPM legends na sina Joey Albert, Dr. Nonoy Zuniga, Chad Borja at inaasahan ding magtanghal si Ding Mercado.
Una nang umapela ng tulong si Batanes Bishop Danilo Ulep sa publiko para sa pagbangon ng Batanes.
Tinatayang nasa 70 hanggang 80 porsyento sa mga pamilya ng lalawigan ang naapektuhan ng bagyong Kiko habang umabot naman sa halos 360 milyong piso ang halaga ng pinsala ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco
Samantala, ibinahagi rin ni Fr. Turingan na bukod sa pagtugon sa epekto ng bagyo tinutugunan din ng prelatura ang mga apektado ng pandemya sa Batanes.
Kamakailan ay isinailalim ang buong isla sa enhanced community quarantine matapos maitala ang mahigit 100 kaso ng nahawaan ng COVID-19 sa loob ng limang araw lamang.
Gaganapin ang online concert sa Setyembre 26, alas onse ng umaga na mapapanuod sa Facebook page ng Roman Catholic Prelature of Batanes at sa Dear Joey.
Sa mga magpapaabot ng tulong pinansyal maaring magdeposito sa Landbank account name Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08, dollar account number 1084-0000-74 swiftcode TLBPPHMM o sa GCash account name Danilo Ulep 0917 578 0198. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bangon Batanes online concert, ilulunsad ng Prelatura ng Batanes
Source: Filipino Pinoys
Bangon Batanes online concert
ilulunsad ng Prelatura ng Batanes
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento