FPJ AVENUE DAAN NG KAUNLARAN PARA SA QC

HALOS isang taon ang nakalipas nang tutulan ng mga residente ng District 1 sa Quezon City ang pagpapalit ng pangalan sa Del Monte Avenue sa Fernando Poe Jr. Avenue, nang isulong ito ng mga mamababatas mula sa konseho ng lungsod papuntang Kongreso hanggang sa Senado.

Dumaan sa maraming protesta, pagtutol at sama-samang pagkilos kabilang ang mga pari sa San Pedro Bautista parish, isa sa makasaysayang simbahan sa lungsod.

Ang kanilang pagtutol ay bunsod ng katwirang ang pangalang Del Monte Avenue ay nagmula pa sa mismong santo ng simbahan, si San Pedro Bautista, isang Franciscan priest na siya mismong nagtatag at unti-unting nagtayo ng simbahan ilang siglo na ang nagdaan.

Isa sa kanyang nagawa ay pangalanan ang daan patungo sa simbahan na Del Monte, na ang kahulugan ay mataas na kabundukan at ang simbahan na kanyang itinayo ay nasa tutok nito.

Ngayon ay di mo na mapapansin ang ganitong tanawin, ngunit naroon pa rin ang pataas na daan kung ikaw ay pupunta sa simbahan.

Nag-ugat sa kasaysayan ang pagtutol at sa lakas at dami ng mga nagproprotesta ay iniuurong na ang panukalang batas na palitan ang pangalan ng kalsada sa FPJ Avenue.

Ngunit ‘di tumigil doon ang pagnanais ng ating mga mambatatas na di parangalan ang namayapang sikat na aktor, kung tawagin ay “the king”.

Sa pagsasaliksik, namataan ang Roosevelt Avenue na kalapit at nagkukrus sa Del Monte Avenue, upang doon ipangalan sa aktor ang naabanggit kong kalsada.

At sa pagsasaliksik din nalaman na sa kalsadang iyon matatagpuan ang lumang tirahan ng namayapang ama ng the king.

Maganda ang kinalabasan lahat ay sumang-ayon at wala ng pagtutol kaya naman matapos ang isang taon, naipasa na sa Senado ang panukalang batas.

Ang Roosevelt Avenue ay magiging FPJ Avenue na sa mga susunod na mga araw o linggo man.

Ikinatuwa ito ng marami, bukod sa nabigyang karangalan ang the king, hindi pa napalitan ang makasaysayang Del Monte Avenue.

Agad naman ipinangako ng punong-lungsod na si Mayor Joy Belmonte, na ang pagpapalit ng pangalan sa kalsada ay magbubukas din ng daan para sa kaunlaran.

May nakaumang na raw na programa kapag ang kalsada ay FPJ Avenue at tinatayang makapagbibigay ito sa isang milyong Filipino ng trabaho sa pamamagitan ng National Employment Recovery Strategy na pinamumunuan ng magkakasamang Deartment of Labor and Employment   Department of Trade and Industry at Tourism Department.

Bandang huli, napaganda pa ang panukalang ipangalan sa The King ang isang kalsada sa lungsod. Sana nga ay magbunga ito ng kaunlaran. ‘Hail to the king’ ang sabi nga.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!



FPJ AVENUE DAAN NG KAUNLARAN PARA SA QC
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento