1M COVID-19 vaccine target iturok kada-araw sa Oktubre

MANILA, Philippines – Inihayag ng gobyerno na target nilang magbakuna ng isang milyong COVID-19 jabs kada araw sa Oktubre.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kasabay ito ng mataas na suplay ng bakuna sa darating na buwan.

“With the number of vaccines na darating sa bansa (expected to arrive in the country), we target to reach around 800,000 to 1 million doses administered in a day,” ani Cabotaje sa Laging Handa briefing.

Matatandaan na umabot lang sa 700,000 ang pinakamataas na bilang ng naiturok na bakuna sa isang araw.

Inianunsyo rin ng gobyerno ang pagbabakuna sa general public kasama na ang mga kabataan edad 12 hanggang 17 sa Oktubre.

Ani Cabotaje na uunahin nila ang mga kabataang may comorbidities.

Sa ngayon lagpas 20 milyong indibidwal na ang kumpletong bakunado sa bansa. RNT



1M COVID-19 vaccine target iturok kada-araw sa Oktubre
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento