2019 SEAG CAULDRON ‘DI GINASTUSAN MASKI ISANG KUSING NG GOBYERNO

Now, it can be told. Ni isang singkong duling pala ay walang ginastos ang ating gobyerno sa pagpapagawa ng cauldron para sa Southeast Asian Games o SEAG noong Dec.2019 kung saan naging overall champion ang Pinas.’’

We won as one’’, ika nga. Pribadong sector pala ang gumastos  sa pagpapatayo ng SEAG cauldron na nagkakahalaga ng P50M.

Ito mismo ang ibinunyag ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na s’ya ring nangasiwa ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee o (PHISGOC), sa isang panayam ng sikat na TV Host na si Boy Abunda noong nakaraang linggo.

Kung inyong matatandaan, binatikos ng mga kontra administrasyon ang naturang cauldron dahil sa napakamahal daw nito sa halagang P50M.

Kung tutuusin, mas mura pa nga ang SEAG cauldron na iyan kaysa sa mga SEAG cauldron na itinatag sa ibang bansa.

Susme naman, masterpiece ito ng ating National Artist for Architecture na si Francisco Manosa.

Ang sabi nga ni Cayetano, pwede namang gawing patapon lang ‘yung cauldron kung ginusto ng mga organizer pero bakit naman natin gagawin ‘yun bilang isang bansa lalo na at nabigyan tayo ng pagkakataon na ipakita sa buong mundo na kaya rin nating magtayo ng mga world sports facility na masasabi talaga nating pangmalakasan ang dating.

Sa naturang interview inamin ni Cayetano na maraming sponsors ang umatras dahil sa kontrobersya at isyu ng korapsyon na ipinukol sa paggawa ng SEAG cauldron.

Mas marami pa sana anyang pondong papasok mula sa mga pribadong kompanya ngunit napigilan ito dahil sa crab mentality at mga akusasyon ng katiwalian na ipinukol sa SEAG cauldron.

Sinabi pa ng dating lider ng Kamara, na hindi perpekto ang kanyang buhay pulitika pero ni isang kusing ay ‘di s’ya nagtamasa at wala syang ibinulsa mula sa pagdaraos ng 2019 SEAG.

Sa totoo lang, hindi rin natin maintindihan ang iba nating kababayan na pilit na ibinabagsak ang mga pagkakataon ay dapat shining moment na  natin bilang mga Pilipino.

Kita n’yo naman, umabot ng 387 medalya ang nakopo ng ating mga atleta sa 2019 SEAG, 149 dito ay mga medalyang ginto.

Sobrang nakaka-proud ang galing at determinasyon ng ating mga manlalarong Pinoy.

Gayun pa man, ang ingay at mga akusasyon na ipinukol sa 2019 SEAG ay ‘di rin nagkaroon ng buhay.

Sa halip, pinuri pa ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong ang mga organizer ng naturang palaro at maging si Pangulong Duterte dahil ipinakita anya ng Pilipinas na kaya na nitong mag host ng mas malaki pang sports events.

Kaya naman ‘yung mga fake news na pinakawalan para gibain ang 2019 SEAG ay nanatiling fake news na lang hanggang ngayon.

Kaya yung mga kritikong  dumakdak, hanggang dakdak na lang ang nangyari sa kanila.

Imbes na makatulong sa ating bansa, sila pa ang naging dahilan ng pag-atras ng maraming sponsors sa SEAG.

Hindi man lang nag-isip. Makapagpasabog lang ng fake news para hilahin pababa ang mga taong walang ibang nasa isip kundi ang kapakanan ng bansa.

Tandaan natin, kahit ano pa ang gawin natin, fake news is fake news. ‘Yun na ‘yun.



2019 SEAG CAULDRON ‘DI GINASTUSAN MASKI ISANG KUSING NG GOBYERNO
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento