DBM-PS buwagin na – solon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Cagayan de Oro Rep at House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na iabolish na ang  Department of Budget and Management’s Procurement Service (DBM-PS) sa harap na rin ng kuwestiyunaableng pagbili nito ng COVID medical supplies.

Sa House Bill 10222 na inihain ni Rodriguez iginiit nito na bukod sa isyu ng overpricing ay may alegasyon din na hindi pagsunud sa purchasing procedure ang  DBM-PS.

Sa oras na mabuwag ang DBM-PS ay ang mga ahensya ng gobyerno ang siya nang magsasagawa ng pagbili ng kanilang supplies.

Ipinaliwanag pa ni Rodriguez na sa ilalim ng Government Procurement Reform Act, ay hindi na rin kailangan ng DBM-PS dahil mayroon nang Government Procurement Policy Board at the bids and awards committee (BAC) sa bawat ahensya ng gobyerno.

Sakaling paboran ang abolition, ang mga apektadong manggagawa ay babayaran ng separation at retirement benefits.

“There would be a transition period of one year, during which the Budget department’s procurement arm would make an inventory of purchased supplie and deliver these to agencies” paliwanag ni Rodriguez.

Ang DBM-PS ay tumanggap ng P42B mula sa Covid funds ng Department of Health(DoH) na pinambili nito ng COVID supplies noong 2020.

Lumitaw na overpriced ang mga binili ng DBM-PS na sya ngayong iniimbestigahan ng Kongreso. Gail Mendoza



DBM-PS buwagin na – solon
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento