25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA
25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA

MANILA, Philippines – Dalawampu’t lima ang patay sa COVID-19 sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area batay sa pinakahuling ulat ng ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.
Umakyat sa 1,402 ang total COVID deaths sa Caloocan City nitong Setymebre 19 mula sa 1,389 noong Setyembre 17 o karagdagang 13 casualties, habang naging 3,429 ang active cases mula sa dating 3,400. Pumalo na sa 54,121 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 49,290 na ang gumaling.
Sampung COVID patients naman ang natodas sa Navotas habang 1,457 ang active cases hanggang 11:59 pm ng Setyembre 18 matapos na 40 ang mahawaan at 108 naman ang gumaling. Sumampa na sa 16,723 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 14,769 na ang gumaling at 497 na ang namatay.
Dalawa naman ang iginupo ng pandemya sa Valenzuela nitong Setyembre 18 at 1,611 ang active cases matapos na 214 ang magpositibo sa virus at 338 naman ang makarekober. Tumuntong na sa 31,273 ang confirmed cases sa lungsod, at sa naturang bilang ay 28,978 na ang gumaling at 684 na ang namatay.
Wala naming naiulat na namatay sa Malabon dahil sa COVID-19 nitong Setyembre 19 at nanatili sa 599 ang COVID death toll ng lungsod. Samantala, 106 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 19,657 ang positive cases sa siyudad, 940 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 44 na ang gumaling at sa kabuuan ay 18,118 ang recovered patients ng lungsod. Merly Iral
25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA
Source: Filipino Pinoys
25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento