BULOK NA LABI NG MGA PATAY SA COVID SA QUEZON SINISILIP NG DOH

IINIIMBESTIGAHANB na ng Department of Health- Calabarzon ang mga nadiskubreng bangkay na nakatengga sa isang bahagi ng Quezon Medical Center sa lunsod ng Lucena.

Napag- alaman ito kay DOH-Calabarzon Dir. Eduardo Janairo sa panayam ng ABS- CBN na naglabas ng footage ng mga nabubulok na bangkay mula sa isang nagmamalasakit na kawani ng ospital.

Makikita sa video footage ang isang bangkay na inuuod na sa loob ng body bag gayong may kautusan ang Interior and Local Government at DOH na ang mga namatay sa COVID ay kailangang malibing o ma-cremate sa loob lamang ng 12 oras.

Sinabi ni Dir. Janairo na ang gusto ng karamihan sa mga kaanak ng namamatay sa COVID-19 ay ma-cremate ang bangkay ng mga ito.

Gayunman, dahil sa kakulangan ng crematorium sa lalawigan ng Quezon, pwede ring selyuhan ang body bag ng mga bangkay at ang mga ataol saka ilibing.

Ang Quezon Medical Center ang palalawigang ospital ng Quezon na pinamamahalaan ni Dr. Rolando Padre at nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Danilo Suarez.

Sa mga panayam, naghugas ng kanyang kamay si Dr. Padre at itinuro ang DILG at mga lokal government unit na responsable sa mga bangkay. ‘Di naman itinanggi ni Suarez ang nangyaring insidente na pagdagsa ng mga patay sa ospital.

Para sa maraming nakasaksi, ang naganap na insidente ay pagpapatunay na ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Suarez ay hindi nakahanda sa patuloy na pagkalat ng sakit at paglobo ng bilang ng mga namamatay sa virus araw-araw.

Maituturing anila na na isang malaking kahihiyan at dagok sa pangasiwaan ng ospital, lalo na sa lokal na pamahalaan ng probinsya ng Quezon’ ang malaking kapabayaan na ito.

SI GOB. MANDANAS AT BOOKIES NI TIRSO

Dumako naman tayo sa Batangas at ating silipin ang sandamukal na bookies ng Small Town Lottery (STL) ni alyas Tirso.

Nakakalat sa mga bayan ng Tuy, Calaca, Agoncillo at Alitagtag ang mga bookies ni alyas Tirso ngunit hindi man lamang kumikilos si Batangas Gov. Hermilando Mandanas para buwagin ang mg ito.

Gayundin sina Tuy Mayor Afable, Calaca Mayor Ona Jr., Agoncillo Mayor Delos Reyes at Alitagtag Mayor Gutierrez.



BULOK NA LABI NG MGA PATAY SA COVID SA QUEZON SINISILIP NG DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento