FEEDER ROUTES NA MATATAMAAN NG MASS TRANSIT TRANSPORT, PAGHANDAAN

MAGANDANG balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila.

Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay.

Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder route ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng mga mass-transport tulad ng tren o MRT.

Kailangan din mapaghandaan ito upang ang apektadong mga public transport na may ruta roon ay hindi ma-displace.

Hindi dapat mawalan ng hanapbuhay ang mga nasa ibang sektor dahil sa epekto sa mga ang linya nila at maaaring mabawasan ang pasahero na pupunta na sa mass-transport system.

Kaya kailangan maaga pa lang, maihanda na ang mga bagong ruta para hindi maging kakumpetensya ng tradisyonal na public transport ang mass-transport.

Bagkus maging complementary ang bawat isa sa pagsisilbi sa riding public.

Ano ang mga biyahe na bubuksan para makarating sa stations ang mga pasahero?

Saan ang kanilang mga terminal at iba pang isyu?

Bilyong piso ang gagastusin sa mga imprastrakturang mass-transport.

Sana bahagi sa gagastusin ay ang tulong sa mga maaapektuhang drivers at operators.



FEEDER ROUTES NA MATATAMAAN NG MASS TRANSIT TRANSPORT, PAGHANDAAN
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento