Ateneo nangakong papanatilihing buhay ang alaala ng martial law
Ateneo nangakong papanatilihing buhay ang alaala ng martial law

MANILA, Philippines – Nangako ang Ateneo de Manila University ngayong Martes, Setyembre 21 na papanatilihin nilang buhay ang mga alaala ng martial law.
Ito ay sa kabila ng nararanasan ng bansa na ‘historical amnesia’ kung saan wala nang malinaw na pagkaalala kung ano ang mga tunay na nangyari sa panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.
Sa isang statement inilabas kasabay ng Martial Law Anniversary, sinabi nito na ang ‘main actors’ ng military rule ay balik na naman sa spotlight.
“A large segment of our population… are too young to truly understand the impact of that period. And we, as a nation, have apparently been experiencing historical amnesia,” sinabi ng pamunuan.
Dahil dito ay palagi umano nilang ipapaalala sa publiko ang naidulot ng martial law lalo na sa mga torture victims.
“Together, we need to keep the memory of Martial Law so that we won’t make those same mistakes again,” dagdag pa.
Inilunsad ng unibersidad ang Ateneo Martial Law Museum na layon umanong maipakilala sa mga Pilipino ang kaganapan sa pinakamahalagang yugto ng kasaysayan ng bansa.
Pwede rin umano itong magamit na batayan sa pagdedesisyon lalo na sa papalapit na halalan sa 2022. RNT
Ateneo nangakong papanatilihing buhay ang alaala ng martial law
Source: Filipino Pinoys
Ateneo nangakong papanatilihing buhay ang alaala ng martial law
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento