SRP sa karneng baboy sa palengke, hirit ng hog raisers sa DTI

MANILA, Philippines – Nanawagan ang sektor ng mga hog raisers sa Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng suggested retail price sa mga karne ng baboy sa palengke  upang lumakas ang demand at gumanda at mabilis ang takbo ng pagbebenta ng alagang baboy sa mga farm.

Sa media forum, sinabi ni sinabi ni Federation of Pork Producers Association of the Philippines Nicanor Briones na siya ring  Presidente ng  Agriculture Sector Alliance of the Philllippines  na bagsak na ang farm gate price sa halagang P150 ngunit napakamahal pa rin ng presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Aniya, dapat sana ay nasa P260 kada kilo  na lamang ang presyo ng baboy ngunit sa palengke ay punapalo pa rin sa P310 hanggang P350.

Aniya nakakalungkot din dahil lugi na ang mga local farmers  dahil bumagsak na nga sa P150 ang ga gate price pero hindi ito nagrereflect sa merkado.

Samantala, sinabi ni Briones na naniniwala itong sapat ang suplay ng baboy hanggang holiday season o Disyembre dahil marami nang imported ang pinarating.

Yun nga lang aniya, may mga iniimport na hindi dumadaan sa testing  na siyang nagdadala ng sakit tulad ng African Swine Flu (ASF) sa mga baboy kaya lalong nalulugi ang mga hog raisers.

Binanggit din ni Briones na tuluyan na ring inalis ng Deoartment of Agriculture ang subsidy na P5,000 kada ulo  sa mga namamatayan ng baboy dahil sa ASF kaya naman patuloy din ang pagkalat ng sakit sa buong bansa.

Panawagan ni Briones, huwag nang tangkilikin ang mga imported na baboy dahil posibleng may dala itong sakit at sa halip ay tangkilikin ang local farmers. Jocelyn Tabangcura-Domenden



SRP sa karneng baboy sa palengke, hirit ng hog raisers sa DTI
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento