Hirit na maluwag na quarantine rule sa byahero mula N. America tinutulan ng DOH
Hirit na maluwag na quarantine rule sa byahero mula N. America tinutulan ng DOH

MANILA, Philippines – Hindi pinaboran ng Department of Health (DOH) ang hirit ng mga negosyante na mapaluwag ang quarantine protocols sa mga biyahero galing North America.
Paliwanag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, base sa patakaran ng Center for Disease Control ng Estados Unidos na kasama sa mga bansa sa North America ang protocols na sinusunod ng bansa
Ayon kay Vergeire, ang mga bansang kabilang lamang sa green country o bansang may mababang banta ng COVID-19 ibinibigay ang pagluluwag.
Gayunman, 22 sa 23 bansa sa North America pa rin aniya ay nasa ilalim ng yellow o moderate risk classification kayat kailangan nang paghihigpit kahit pa sa mga bakunado
Kabilang sa mga kasama sa North America ay ang Antigua and Barbuda, Canada, Costa Rica, Mexico, Panama, at Estados Unidos
Ang komento ni Vergeire ay kasunod ng kahilingan ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, na nais nitong mapaluwag ang patakaran sa mga fully vaccinated na galing North America ngayong Kapaskuhan na bulto nang pinagmumulan ng mga biyahero sa naturang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Hirit na maluwag na quarantine rule sa byahero mula N. America tinutulan ng DOH
Source: Filipino Pinoys
Hirit na maluwag na quarantine rule sa byahero mula N. America tinutulan ng DOH
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento