#KikoPH humina
#KikoPH humina, nananalasa pa rin sa Batanes

BASCO – Humina ng bahagya ang bagyong Kiko habang patuloy itong nananalasa sa probinsya ng Batanes.
Sa 2PM update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa dagat na sakop ng Itbayat.
May lakas itong 195kph at pagbugso na 240kph na mas mahina kumpara sa lakas nito kaninang umaga, Setyembre 11.
Nakataas pa rin ang Signal Number 4 ng bagyo sa Itbayat, Signal Number 3 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes, Signal Number 2 sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands habang Signal Number 1 ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Babuyan islands, northern portion of Cagayan (Santa Ana, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Gonzaga) at Pagudpud, Ilocos Norte.
Inaasahang lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyo Linggo ng gabi o Lunes ng umaga. RNT
#KikoPH humina, nananalasa pa rin sa Batanes
Source: Filipino Pinoys
#KikoPH humina
nananalasa pa rin sa Batanes
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento