Daan-daang COVID vaccine damay sa sunog sa Ilocos
Daan-daang COVID vaccine damay sa sunog sa Ilocos

ILOCOS NORTE – Nadamay ang daan-daang bakuna kontra COVID-19 sa nangyaring sunog sa municipal health office sa San Nicolas, lalawigang ito.
Sa impormasyong inilabas ng health department ng naturang bayan, aabot sa 400 doses ng COVID vaccine mula sa AstraZeneca at Sinovac ang nadamay sa sunog.
Kabilang din dito ang iba pang bakuna na para sa bata.
Nagsimula sa ikalawang palapag ng health office ang sunog kung saan matatagpuan ang bodega ng mga medical supplies Biyernes ng gabi, Setyembre 10.
“‘Yung isang medical refrigerator na nasa storage room, nag-malfunction ang compressor nito na posibleng pinagmulan ng sunog,” sinabi ni Insp. Reynold Aguinaldo, fire marshal ng Bureau of Fire Protection – San Nicolas.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog. RNT
Daan-daang COVID vaccine damay sa sunog sa Ilocos
Source: Filipino Pinoys
Daan-daang COVID vaccine damay sa sunog sa Ilocos
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento