Painting ni Heart, nailako ng P3M!

MANILA, Philippines – Hindi lang modelo si Heart Evangelista ng prestigious international fashion houses sa France at sa Italy. She’s also a prestigious painter na, recently, ay nakapagbenta ng isang painting sa presyong P3 million.

Ganu’n na katindi ang reputasyon ng Kapuso actress bilang pintor na ipinagtapat mismo ni Heart kamakailan kay Karen Davila sa podcast ng pangunahing host-news anchor.

“Yeah, that’s cool… It’s a different world,” bulalas ni Heart kay Karen.

Idineposito na ni Heart sa bangko ang kinita n’yang P3M. Sa pondo ng kita n’ya sa pagpipinta nanggagaling ang ginagastos naman n’ya sa luho n’ya sa mamahaling mga damit at gamit.

Bagama’t ‘di nagbigay ng detalye si Heart kung ano ang tema ng pinta n’ya na binili sa kanya ng P3M, nagpahiging siya kay Karen na may mga painting siya na maraming taon ang nagdaan bago n’ya nakumpleto.

Ibinunyag ni Heart kay Karen na ang presyo ng hand-painted bags na nililikha n’ya ay nagsisimula sa P200,000. Ibig sabihin, ‘yon ang pinakamurang paintings n’ya.

Sa isang punto ng pag-uusap ng aktres at ng broadcaster, may ipinakita si Heart kay Karen na ilang pirasong painting na naka-frame na. ‘Yung ganu’ng klase ng likha ay pwede n’yang maibenta sa presyong aabot sa P150 million!

“Non-fungible token” (NFT) umano ang mga ganu’ng likha. “It is an increasingly popular digital art form where the work can’t be copied,” pagbibigay-diin ni Heart.

Ayaw pa n’yang ibenta ang NFT n’ya dahil “whoever ends up buying her NFT work can destroy the original painting so it becomes more expensive.”

Ibig sabihin ay hinihintay muna n’yang tumaas pa ang presyo na iaalok sa kanya.

Pero may paintings daw siya na ‘di n’ya ibebenta gaano man kalaki ang ipresyo rito.

“I made them for my self. I don’t plan to part with them ever!” deklara n’ya.

Ibang klaseng babae talaga si Heart Evangelista! Danny Vibas



Painting ni Heart, nailako ng P3M!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento