DOH sa mga ospital: Regular na magpasa ng COVID-19 data
DOH sa mga ospital: Regular na magpasa ng COVID-19 data

MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na isumite ang regular na datos ng kanilang admission rates habang nabanggit ng ahensya ang kinakaharap ng gobyerno sa pagkuha ng istatistika.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, ang hamon ngayon ay ang pagtalima ng mga hospital pagsusumite ng kanilang emergency room data.
Kaya naman nanawagan ang DOH sa mga hospital na regular na makuha ang datos ng kanilang emergency room admissions upang maisama sa mga kanilang tinitignan.
Ang komento ni Vergeire ay tugon sa pahayag naman ng medical group Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, na nagpahayag ng kanilang alalahanin sa diumano kulang na hospital admission data – isang desisyon na kadahilanan sa bagong COVID-19 alert level system ng gobyerno.
Sinabi ng opisyal na ang gobyerno ay humaharap sa malaking gawain dahil isinasaalang-alang nito ang lahat ng healthcare centers sa buong bansa.
“Ang ating health professionals, they look at their specific hospitals. We look at the whole country.” ani Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOH sa mga ospital: Regular na magpasa ng COVID-19 data
Source: Filipino Pinoys
DOH sa mga ospital: Regular na magpasa ng COVID-19 data
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento