2 linggong ‘timeout’ hirit ng medical frontliners sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR- Hiling ng mga health care worker ng Ilocos Sur ang magkaroon ng dalawang linggong “timeout” sa pamamagitan ng pagpapapatupad o pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine sa probinsiya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito.

Ayon kay Dr. Jun Tagorda, presidente ng Ilocos Sur Medical Society, ang Ilocos Sur Medical Society kasama ang  Southern Ilocos Sur Medical Society, Municipal Health Officers, Philippine Nurses Association–Ilocos Sur, Philippine Hospital Association – Ilocos Sur Chapter, Private Hospitals Association at mga iba pang grupo ng mga doktor ay napagkaisahan nilang humingi ng 14-day timeout sa Provincial Government of Ilocos Sur  para makontrol o mapababa ang kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Kulang,  pagod at halos magkasakit na ang mga health care worker dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso at halos ay puno na rin ang mga ospital ng mga covid-patients kaya kailangang talagang makontrol ito.

Kailangan din  ng mga health worker ang pahinga para mas maayos silang makapagtrabaho at maibigay ang mga serbisyong kailangan ng mga pasyenteng naapektuhan ng virus.

Kung sakali man maaprobahan ang hiling nila, sisiguraduhin niya na sa kabila ng ipinatutupad na lockdown ay magtratrabaho pa rin sila.

Ayon naman kay Dr. Trina Tabboga Talaga, chief of Hospital ng Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang, kasalukuyang ini-evaluate at pinag-aaralan pa ang hinihiling na “timeout” kaya ang panawagan niya sa mga mamamayan ng Ilocos Sur na maghintay lang at paghandaan ito kung sakali.

Sa kasalukuyan, ang Ilocos Sur ay nanatiling nasa General Community Quarantine with heightened restrictions. Rolando S Gamoso



2 linggong ‘timeout’ hirit ng medical frontliners sa Ilocos Sur
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento