COVID swab sa Davao, bumagal sa kapos na test kit

DAVAO CITY – Aminado ang Davao City COVID Task Force na bumagal ang COVID-19 testing sa lungsod dahil sa kakulangan ng testing kits at repair na isinasagawa naman sa Southern Philippines Medical Center molecular laboratory.

Ito ang sinabi ni Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ng Davao COVID-19 Task Force kung saan pina-prayoridad na muna nila ngayon ay ang mga high risk o may direct contact sa mga nagpositibong indibidwal.

“Typically they turn out positive so we prioritize them,” ani Schlosser.

Sa kasalukuyan, isinasagawa sa Los Amigos Molecular Laboratory, pag-aari ng lokal na pamahalaan, ang pagproseso ng mga swab samples na aabot lamang sa 450 specimen kada araw.

Para naman sa swab sample mula sa iba pang parte ng rehiyon, ayon kay Dr. Raquel Montejo, chief ng Local Health Support Division ng Department of Health, ipinapadala nalang muna ito sa pribadong laboratoryo hanggang sa magbalik operasyon na ang SPMC laboratory.

Pwede rin umano na magbayad sa ibang pribadong laboratoryo ang magnanais na makuha agad ang resulta.

Sa kabila ng pagbagal ng COVID testing sa lungsod, nananatili pa rin ang ordinansa na magpaparusa sa mga taong tatanggi na sumailalim sa COVID testing kahit na sila ay close contact ng isang nagpositibo. RNT



COVID swab sa Davao, bumagal sa kapos na test kit
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento