10K trabaho naghihintay sa pagsisimula ng NSCR project

MANILA, Philippines – Posibleng makapagbigay ng aabot sa sampung libo na mga trabaho ang sinimulang konstruksyon ng North-South Commuter Railway Extension project nitong Sabado, Setyembre 18.

Ito ang sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko.

Kilala rin ang proyektong ito sa tawag na Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 2 na magsisilbing kauna-unahang airport railway express service sa bansa.

Katuwang ng Japan International Cooperation Agency ay layon nitong pabilisin ang travel time mula Metro Manila hanggang Clark sa 55 minuto na lamang.

Magkakaroon din ito ng anim na istasyon.

Sinabi naman ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na bubuo ito ng 7,000 mga trabaho kasabay ng construction phase at dagdag 3,000 na trabaho naman kapag nag-operate na ang nasabing ruta.

Target umano nilang maibigay ito sa mga overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Maaari pang umabot sa 25,000 ang direct job opportunities na maibigay ng NSCR project sa kabuuan ng construction period nito.

Tinawag naman ng Asian Development Bank na ‘single largest infrastructure project’ ang NSCR project. RNT



10K trabaho naghihintay sa pagsisimula ng NSCR project
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento