Mga guro
Mga guro, prayoridad dapat sa COVID vax – WHO

MANILA, Philippines – Dapat na isama ang mga guro at mga teaching staff sa prayoridad na mabakunahan kontra COVID-19.
Ito ang sinabi ng World Health Organization lalo na sa mga bansa sa Europa at Gitnang Asya upang maipagpatuloy ang face-to-face classes sa mga paaralan.
Dagdag pa ng WHO, dapat ay isinasama umano sa target population groups ng vaccination plans ng pamahalaan ang mga nasa sektor ng edukasyon.
Nauna na itong inirekomenda ng organisasyon noong Nobyembre 2020 bago pa magsimula ang vaccination roll-out.
“This is of paramount importance for children’s education, mental health and social skills, for schools to help equip our children to be happy and productive members of society,” sinabi ni Hans Kluge, director of the WHO European region.
Dito sa Pilipinas, maaaring maikunsidera na kabilang sa A4 priority groups ang mga guro sa vaccination plan ng pamahaaan. RNT/JC
Mga guro, prayoridad dapat sa COVID vax – WHO
Source: Filipino Pinoys
Mga guro
Philippines news
Pinoy Trending
politics
prayoridad dapat sa COVID vax – WHO
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento