Batas para sa ‘wetland protection’ ipinanawagan ni Cimatu

MANILA, Philippines – Upang kilalanin ang kahalagahan ng wetlands, hinikayat ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy A. Cimatu ang mga mambabatas na kilalanin ang kahalagahan ng paglaban sa climate change sa pamamagitan ng pagpasa ng batas para maprotektahan ang “most valuable ecosystems” sa mundo.

“There has been no single Philippine legislation that advances wetland conservation and its wise use. While there are already existing laws that contain provisions directly or indirectly promoting wetland conservation, not one deals specifically on wetlands,” saad ni Cimatu matapos ang dalawang events na pinangunahan ng DENR tungkol sa pangangalaga sa peatlands.

“If legislated, the national law on wetland will serve as the mother law for all wetlands in the country including peatlands. This will address the gray areas on our existing policies relevant to wetlands conservation,” sabi ni Cimatu.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang bills para sa wetland protection at conservation: ang substitute bill na “An Act Institutionalizing the National Wetlands Conservation Policy”; at ang House Bill 7206 o ang panukalang National Peatland and Peatland Resources Act.”

Sa press release sinabi ng DENR ang substitute bill sa HB Numbers 3460 at HB 8925 na inihain nina Representatives Mujiv Hataman, Amihilda Sangcopan, Luis Raymond “LRay” Villafuerte, Jr., Elpidio Barzaga, Jr., at Eric Go Yap ay pumasa na sa committee level sa House of Representatives. Ang HB 7206 ay inihain naman ni Cavite 2nd District Rep. Strike Revilla at 25 pang mambabatas.

Ang substitute bill na kikilalanin bilang National Wetlands Conservation Act ay para sa proteksiyon at konserbasyon ng lahat ng uri ng wetlands sa Pilipinas kabilang na dito ang inland wetlands tulad ng ilog, lawa, marshes at swamps, coastal at marine, at human-made wetlands.

Kaugnay nito sa kaso naman ng human-made wetlands, ang inihaing batas ay para sa may mataas na biodiversity value, critical wildlife habitat at sa bahagi ng migratory routes ng mga ibon at isda.

Noong Nobyembre 2020 nang makipag-partner ang DENR Biodiversity Management Bureau (BMB) sa PLDT-Smart upang maiangat ang kamalayan sa Caimpugan Peatland sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary.

Nag-host rin ang Pilipinas ng 6th Meeting ng ASEAN Task Force on Peatlands (ATFP) noong Hunyo.

Samantala ang peatland ay isang uri ng wetland na ang peat soils ay mayroong carbon-rich dead at decaying plant matter. Kung mapapanatili itong basa, ang peatland ay kayang mag-imbak ng carbon na doble pa sa bilang ng nagagawa ng pinagsamang mga kagubatan sa mundo

Ayon kay DENR Undersecretary for Special Concerns at concurrent BMB Director Edilberto Leonardo, ang papel ng publiko upang maitaas ang kamalayan para sa proteksiyon at konserbasyon ng wetlands kabilang na ang peatlands ay napakahalaga para mas mabilis na maipasa ang mga nakahaing bills.

“Raising public awareness on both the importance and the threats related to the peatland and wetland ecosystems could be enhanced by gaining public support for the passage of the wetland and peatland bills and intensify the efforts for lobbying,” saad ni Leonardo.

Aniya, ang wetlands ay isa sa “most productive habitats” sa mundo na kayang magbigay
ng samu’t-saring “direct at indirect benefits” para sa human survival kabilang na dito ay bilang pinanggagalingan ng inuming tubig, pagkain, tirahan at livelihood activities. Santi Celario



Batas para sa ‘wetland protection’ ipinanawagan ni Cimatu
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento