Bagitong parak na ‘na-high blood’ dakip sa bantang pamamaril
Bagitong parak na ‘na-high blood’ dakip sa bantang pamamaril

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng two counts ng grave threat ang isang “high blood” na bagitong pulis matapos na umano’y pagbantaan ang isang nurse at security guard ng isang ospital sa Valenzuela City nang hindi siya idiretso sa emergency room.
Dinakip si Patrolman Angelo Abalos, 37, matapos na humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang gwardyang si Gilbert Belmonte at nurse na si Simon De Galicia ng Valenzuela Emergency Hospital na pinagbantaan umanong babarilin ni Abalos.
Nabatid, ala-1 ng madaling araw noong Agosto 29, Linggo ay itinakbo si Abalos ng kanyang asawang si Maria Concepcion sa nasabing ospital dahil mataas ang presyon ng dugo ng pulis.
Inutusan ng gwardya ang noon ay may malay namang si Abalos na tumuloy sa Triage Area ng pagamutan kung saan inaalam kung sino sa mga pasyente ang pinakamalala ang kalagayan at dapat na unang gamutin.
Dito ay umusok umano ang bumbunan ni Abalos na nauna nang nagpakilalang pulis at sinabing “Kung hawak ko lang ang baril ko, binaril ko na kayo,” at dumiretso sa emergency room ng ospital kung saan ang nurse naman ang kanyang pinagbantaan.
Nang unang dumating ang mga barangay at pulis ay hindi nahuli si Abalos dahil ginagamot na ito ngunit alas-10 ng umaga noon ding Linggo ay hinuli na umano ito at dinala sa Station Investigation Unit ng Valenzuela Police. Merly Iral
Bagitong parak na ‘na-high blood’ dakip sa bantang pamamaril
Source: Filipino Pinoys
Bagitong parak na ‘na-high blood’ dakip sa bantang pamamaril
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento