Bakunahan sa mga preso, depende pa sa suplay – BJMP

MANILA, Philippines – Nakadepende pa sa suplay na ibibigay ng lokal na pamahalaan kung isasali sa COVID-19 vaccination ang mga preso.

Ito ay sa kabila ng panawagan na isali rin sa bakunahan ang mga ito.

Sa pulong balitaan, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda na umaasa lamang sila sa suplay at suporta ng LGU.

“Nakadepende ito sa supply coming from the National Vaccine Operations Center allocated for our jails and the support of our LGUs,” giit niya.

Maaalalang nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na bigyan ng pantay na atensyon ang mga preso o persons deprived of liberty dahil maging sila man ay nahahawa sa COVID-19.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng 6,771 na kaso ng COVID-19 ang BJMP sa mga preso nito sa buong bansa. RNT/JC



Bakunahan sa mga preso, depende pa sa suplay – BJMP
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento