Gardo, wapakels sa bansag na ander-de-saya!

Manila, Philippines – Nagkaroon ng panibagong sigla ang karera ni Gardo Verzosa sa panahon ng pandemya sa internet.

Naging viral at pinag-usapan ang kanyang Tiktok videos.

Bilang asawa, masasabi ring mapagmahal na kabiyak si Gardo.

Katunayan, hindi niya ikinahihiya na naglalaba siya para tulungan ang kanyang misis.

Sa kanyang recent post, umani ng papuri ang aktor sa larawan kung saan makikita siyang naglalaba at nagsasampay ng mga damit na nilabhan.

Aniya, hindi dapat ikahiya ng mga lalaki kung sila ang naglalaba dahil para sa kanya, “real men do the laundry”.

Sa kabila ng kanyang mga ginagampanang mga tigasing karakter sa pelikula at mga teleserye, wapakels din siya kung mabansagang ander de saya.

Kapansin-pansin din sa kanyang post ang  hashtags na, #stayhome, #stayfit, #staypositive, #makethewifehappy at #servethefamily.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa aktor.

“True cupcake… c hubby ko rin he does the laundry, removes the stain pa. My Dad did too when he was still alive.”

“Perfect role model po ang mga gaya nyo para sa mga daughters out there.”

“Wow! proud of you swerte naman si wifey niyo po sir. Kaya love ka namin.”

@gardo_versoza… You’re the man! Hala sampay pa more cupcake lalong hanga sa yo my lodi matchete super bait .” Archie Liao



Gardo, wapakels sa bansag na ander-de-saya!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento