Bong Go: Bawat piso, ibigay sa benepisyo ng Filipino

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Committee on Health chair, Senator Christopher “Bong” Go sa mga ahensiya ng gobyerno na gamitin ang kanilang available resources nang sang-ayon sa batas, lalo ngayon nasa gitna ng public health emergency ang bansa.

“Dapat walang natutulog na pera at walang nasasayang na panahon. If there are inefficiencies, the DOH (Department of Health) should ensure that these are resolved immediately,” sabi ni Go sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Miyerkoles.

“Nasa gitna po tayo ng pandemya at hindi pwedeng papatay-patay ang gobyerno. Hindi rin tayo papayag na mayroong overpriced, at lalung-lalo na kung may anomalya,” idinagdag ng senador.

Idiniin ng mambabatas na bawat isang piso ay hindi dapat masaya o mawala sa pagsasabing, “Pera ng taumbayan ‘yan, dapat sila ang makabenepisyo diyan.”

Sinabi ni Go na suportado niya ang pagsisiyasat kung papaano ginagamit ang COVID-19 funds kay ipinaalala niya sa concerned government agencies na gamitin ang mga nalalabing resources, gaya ng probisyon na Special Risk Allowance para sa medical frontliners.

“According to the DOH, more than 379,000 public and private health workers received their Special Risk Allowance or SRA this year. However, some health workers claim they did not receive such allowance,” aniya.

“Dapat i-reconcile ng DOH ang kanilang records sa mga ospital para ma-validate kung sino na ang mga nakatanggap na at kung sino pa ang dapat makatanggap ng allowance,” idinagdag niya.

Iginiit din niya sa Department of Health na maging proactive sa pagtupad sa kanilang responsibilidad sa pagsasabing may ilang resident doctor na hindi pa nakatatanggap ng kanilang allowance.

“Nakarating nga rin po sa akin ang concern ng mga resident doctors na hindi rin sila nakakatanggap ng allowance. Sila naman po ay frontliners din na humaharap sa mga pasyente at nagsasakripisyo, kailangan mabigyan din po sila ng allowance. Minsan po wala na sa oras ang kanilang padu-duty,” sabi ni Go. RNT


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento